AGIMAT


Ang Agimat, na kilala rin bilang anting-anting o bertud, ang pamosong katawagan para sa mutya o amuleto sa Pilipinas. Malaki ang ginagampanang papel nito sa mitolohiya ng katutubong Pilipino. Bagamat marami na ang naging pagbabago sa konteksto ng agimat, ginagamit pa rin ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino. Sa mga katha at relihiyon, ang agimat ay iniuugnay sa mga ideya ng isang tao ukol sa pamumuno, kapangyarihan, nasyonalismo at rebolusyon.

Pinagmulan:
Sa mga isla ng Pilipinas, may paniniwala na sa anting-anting bago pa dumating ang mga Espanyol at ang Katolisismo. Nakasentro sa mga espiritu, anito at mga diyos ang pagsamba ng mga katutubo, kung saan si Bathala ang pinakamataas. Ang ganitong buhay ispirituwal ang nagbigay ng iba’t ibang paniniwala ukol sa agimat at sa mga kapangyarihang nilalaman nito. Sa pagdating ng Katolisismo, nadagdagan pa ang kredo ng agimat ng mga mahiwaga at paganong elemento na hinaluan ng mga relihiyosong katauhan at konsepto gaya ng Ispiritu Santo, Santisima Trinidad, Sagrada Familia, Virgen Madre, ang Mata, at iba pa. Sa rebolusyon at digmaan, naging mahalaga ang agimat bilang bahagi ng armas pandigma. Pinaniniwalaan na ang laman nitong ispirituwal at mahiwagang kapangyarihan ay magbibigay ng walang-hanggang lakas, proteksyon, at kagalingan.

Ang agimat sa kasaysayan:
Noong Rebolusyon ng 1896 laban sa Espanya, ginamit ni Emilio Aguinaldo ang anting-anting na Santisima Trinidad. Dala naman ni Andres Bonifacio ang amuletong tinatawag na Santiago de Galicia (Birhen del Pilar), habang si Antonio Luna ay gumamit ng Virgen Madre. Karamihan sa miyembro ng Katipunan ay mayroong mga anting-anting. Si Manuelito, ang kilalang Tulisan, ay pinaniniwalaang may anting-anting dahil sa ilang ulit niyang natakasan ang mga bala ng baril mula sa mga Guardia Sibil. Ang grupong Lapiang Malaya na nagmartsa noong 1967 upang ipakita ang pagtutol sa rehimeng Marcos ay walang-takot na hinarap ang military dala ang kanilang mga bolo at anting-anting.

Iba’t ibang anyo:
Ang pinaka-karaniwang anyo ng agimat ay ang amuleto na nakaukit sa bato, metal o kahoy, na karaniwang isinusuot sa leeg. Ang agimat ay maaari ring isang dasal o orasyon, na mula sa wikang Latin. Nakasulat ito sa isang piraso ng papel, itinutupi at inilalagay sa pitaka, o kaya’y tinatahi sa tela at isinasabit sa bahagi ng katawan na hindi makikita ng ibang tao. Ang agimat at puwede ring isang maliit na bato, ngipin ng buwaya o piraso ng tuyong prutas na inilalagay sa loob ng maliit na tela.

Iba’t ibang uri:
libreto
insignias
talisman
amuleto
scapular
mutya
Mga gamit:
Bukod sa lakas at proteksyon, ginagamit din ang agimat o anting-anting bilang:
panlaban sa kulam o engkanto
gayuma
pampa-suwerte sa negosyo
proteksyon sa mga pisikal na panganib
proteksyon sa masasamang ispiritu



-Credit to the Owner-

2 comments:

  1. Bro..tanong kolang kong ang anong oracion para sa mutya ng baboy damo? Slmt po.

    ReplyDelete
  2. gusto ko pong matutung manggamot.

    ReplyDelete