Ang Pilipinas ay mayaman sa folk beliefs at practices. Napakarami nating mga
paniniwala at tayo na yata ang pinaka diverse sa usaping paranormal. Iba’t ibang paniwala sa bawat rehiyon ng ating bansa.
Bubuksan
natin ang inyong mga isip sa mga usaping paranormal. Pag-uusapan natin ang lahat
ng aspeto ng mga kababalaghan sa paraan na maiintindihan ninyo.
Pag-uusapan
po natin ngayon ang tungkol sa Kulam, Bati, Gayuma at Sumpa. Ready na ba kayo?
ANO NGA BA ANG KULAM
Kulam sa ingles ay magic spell. Ang kulam ay part din ng tinatawag na witchcraft sa ingles. Ang mangkukulam ay isang witch o di kaya’y bruha sa mga babae o warlock/sorcerer – brujo sa mga
lalaki na gumagamit ng kulam o magic spell at sila’y nag-oorasyon at naghahalo
ng mga potions.
Ang kulam sa Pilipinas ay mas nakikita sa Siquijor, Samar at Sorsogon kung saan karamihan ng mga
manggagamot (faith healers) o arbularyo ay naninirahan.
Ngunit ano nga ba ang kulam? Kalimitan ang kulam ay may negative connotation sa ating mga Pilipino- nakakasakit ng kapwa o di kaya’y pumapatay. Isinasalarawan ang
isang mangkukulam na may hawak na manika o voodoo doll at ito’y tinatalian ng
kung anong tali o di kaya’y tinutusok ng aspili o karayom upang makasakit ng
ibang tao. Nariyang nakasindi ang mga kandila at may ginagawang incantations o dasal sa latin.
Subali’t ang katotohanan ay ang kulam ay isang neutral force o ang tinatawag na witchcraft. Hindi ito good or bad sapagkat ito ay karunungang universal at ang magic ay pangkalahatan. Ang nagkakaiba lamang ay ang intensiyon ng isang mangkukulam.
Ano ba ang pangkaraniwang gamit ng isang mangkukulam? Kandila, herbs, manika at
iba pa. Ang kulam ay heavily influenced by voodoo kung saan gumagamit ng mga
manika.
Saan nga ba ginagamit ang kulam? Ginagamit o ginagawa ito to control, injure or curse a person. Sa paniwala ng nakakarami, ito ay inihahagis sa mga kaaway o kagalit. Subali’t ang kulam o spell ay maaari ding magamit upang mapabuti ang isang tao o situwasyon. GIVE EXAMPLES. Rag doll with hair, blood or personal belonging….
Interestingly enough, ang Philippinewitchcraft ay nagko-co exist harmoniously with Catholicism. Ang mabubuting mangkukulam ay nagdadasal sa mga santo at may mga latin na dasalin. Ang mga masasama naman ay nakikisama sa devil mismo.
Ang isang mangkukulam ay nanggagayuma rin ng tao.
ANO NGA BA ANG GAYUMA?
Ano ang kaibahan ng KULAM sa GAYUMA? Ang gayuma ay isang uri ng kulam o spell …
tinatawag siyang love spell. At karugtong nito ang tinatawag na love potions.
Ang gayuma ay madalas sinasambit ng mga babae kapag nagloloko ang kanilang mga asawa. Nariyang may ipinainom o ipinakain sa kanilang mga mahal na asawa o
boyfriend kaya nagtaksil sa kanila.
Love potions na kung saan ay gawa ito sa mga
halaman o herbs at mga animal parts. Ito ay binibigyan bias ng isang mangkukulam sa pamamagitan ng mga bulong o incantation in latin.
Isang recipe at ay DAMONG MARIA na pinakulo sa tubig ulan. Ito ay inilalagay sa
pagkain o iniinom ng taong gagayumahin. Isa pang gayuma ay ang tinatawag na charms o mga damo halaman na may kasamang animal parts sa isang pulang bag.
Walang gayuma na tatalab kung hindi din
kagustuhan ng “nagayuma”
ANG MANGKUKULAM AY IBA SA MANGGAGAMOT O ARBULARYO.
Ngunit madalas ginagawa na din niya ang panggagamot ng isang
arbularyo. Siya na rin ang nanggagamot ng mga nakulam o nabati ng mga tinatawag
na elementals katulad ng dwarves, wood nymphs at ibang spirits.
Napag-aaralan ba ang pagiging mangkukulam? Mayroong mga witches
covenants o mga samahan na umaalalay sa kapwa witch. Mayroon ding namamana o naipapasa ng mga ninuno sa kanilang mga anak o apo. Mayroon ding natututo sa mga spirits guides.
Subalit ang usapin kulam ay hindi lamang totally paranormal o di maipaliwanag. May scientific explanation din ang paraan ng pang gayuma, ang kulam o pangbarang. Ang mga mangkukulam o
mambabarang ay marunong ng tinatawag na psychometry sa psychology. Ito ay ang pagkuha ng vibrations ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak o pagdama ng mga bagay na personal ng isang
tao. Nariyan din ang process ng visualization, o ang pag isip sa taong nais gayumahin. EXAMPLES psychometry… visualization.
ANO NGA BA ANG BARANG?
Ang Barang ay isang type ng magic na mas
malapit sa SHAMANISM at mas mataas ang antas kaysa sa kulam. Ang isang
mangkukulam ay walang power over a mambabarang.
Makapangyarihan ang mambabarang. Kaya niyang mag harm ng isang tao sa
pamamagitan lamang ng paghipo ng personal na gamit nito. Kaya ng mambabarang namaglagay ng mga bagay sa inyong katawan.
Isang uri ng barang ay PAMAHAM. Sa loob ng isang bote o bamboo ay isang gagamba, centipede o ipis. Actually hindi talaga ito mga insects kundi mga malevolent spirits na nahuli ng isang mambabarang.
Bago gamitin ang Pamaham, kailangan pakainin muna ang mga insekto. Pagkatapos ay ipapasok niya ang rag doll sa loob ng pamaham upang kainin o pasukin ang katawan ng doll ng mga insekto.
Isa pang method ay kukuha ng insect at tatalian ng white thread ang isang paa. Pakakawalan ito ng mambabarang at pupunta ito sa bahay ng biktima. Pag bumalik ang insekto at ang tali ay
magiging pula, nagtagumpay ang mambabarang. Kung naging itim ang tali, nag fail ang misyon.
Ang barang ay nagmula pa noong panahon ng mga Kastila. Ginamit ito n gating mga
kababayan upang magdepensa ng sarili. Subalit nang lumaon ginamit na ito upang pagkakitaan.
Mayroon din naming kabutihan naidudulot ng barang. Kaya ng mambabarang na basagin
ang mga kulam ng mga mangkukulam. Kaya nilang mag exorcise ng mga demonyo at masasamang spirits. Kaya din nilanggumamot ng may sakit
SUMPA
A curse. Now this sumpa is what Im going totalk about. A sumpa is a curse given to a mortal enemy. Sinasabi ito sa galit o matinding dalamhati.
We heard of stories about witches being burned and shouting, "Sinusumpa ko, babalik ako upang maghiganti!" (I promise I will come back to take revenge!). Now those are good examples of sumpa.
Mayroong tinatawag na sumpa ng ninuno na dinadala hanggang sa mga apo… family curse ika nga. Kahit na sino ay maaaring sumumpa ngunit ang pinaka-matinding sumpa ay iyong nabibitawan habang nalalagutan ng hininga ang isang tao.
BATI
Ang bati ay isang energy transfer o pagnanakaw ng enerhiya ng isang taong mahina ang defense sa sarili. It can affect a person’s health or feeling in an instant. May mga taong tinatawag na energy vampires at maaaring ma drain nila ang inyong energy.
Pangkaraniwan sa atin ang bati ng mga bata kung saan madalas nagsusuka o nagiging antukin ang bata kpag may nanggigil dito. Ang scientific explanation dito ay mas malakas ang inyong aura kaysa sa bata kaya nao-overpower ninyo ito.
Paano ginagamot ang bati? Napakaraming paraan. May tinatawag na Pikel-pikel. Kakawakan mo sa
ulo ang nabati at paulit ulit na sasabihin pikel-pikel.
Mayroon ding tinatawag na NABATI NG ENKANTO O DUWENDE O LAMANG LUPA. Ito ay inaalis o ginagamot sa pamamagitan ng TAWAS.
Ang tawas ay ALUM… gamut sa singaw subali’t ang pag-uusapan natin ay ang pagtatawas ng na enkanto o nabati ng lamang lupa.
Alam nyo ba na ang pagtatawas ay ginagawa din ng mga Kahunas of Hawaii, mga Instik at Yorubans.
Maaari ding gamitin and bigas, beans, pendulums, lupa, puno at tubig sa pagtatawas. Ngunit ang pinaka popular at ang tawas ng kandila.
TAWAS NA KANDILA
Take a new candle and abowl of clear water.
Talk to the patientuntil you can sense the presence within him.
Next begin the prayer to the Almighty. (In case you dont know the prayer, just pray to your God to guide you in your undertaking. Almost all forms of prayer are effective)
Then, light the candle and place it over the bowl. Wait until it drips.
While it drips chant a prayer to the almighty asking for help.
When the time is right, an image will form in the wax drippings. Using your intuition, interpret the
image.
Dapat bang maniwala saganitong usapin? Sa akin lamang ay dapattayong maging bukas sa kahit na anong paniniwala. Totoong may black magic at white magic. Totoong mayroon manggagamot at mangkukulam kahit saan mang sulok ng mundo. Hindi ito likas lamang sa ating mga Filipino
kundi sa lahat na yata ng sulok ng daigdig.
Masama ba ang kulam? Para saakin, hindi ito masama kundi ang mga nagiging intensiyon ng gumagawa ang dapattingnan. Ang kulam o magic spell ay
neutral sa umpisa. Nagiging masama o nakakasakit kapag nasasamahan na ito ng poot , inggit o galit sa ating mga puso.Gayundin nagiging masama ang barang kapag nais na nating pumatay o magkasakit ang kapwa natin.
Ang kapangyarihan o kakayahan na kakaiba ay dapat nating pagka ingatan. Kung may taglay tayong karunungan na hindi alam ng nakakarami ay dapat natin itong pagkaingatan at hindi ipangalandakan.
Lagi rin dapat positibo ang ating pananaw sa buhay at huwag maging pessimist sa lahat ng bagay.
Higit sa lahat,dapat lamang maging matatag ang ating faith sa Panginoon. Tibayan natin dapat ang ating tiwala sa kanya at hindi kaagad ma-apektuhan ng ganitong mga negatibong mga enerhiya.
-Credit to the Owner-
No comments:
Post a Comment