KULAM


Konsepto:
Ang kulam ay impluwensya ng voodoo (o kulto na matatagpuan sa mga taong Itim sa Haiti na kinapapalooban ng kulam at mahika at mga rituwal ng pakikipag-ugnayan sa mga patay at mga anito). Ang mga mangkukulam (nagsasagawa ng kulam) ay kadalasang gumagamit ng basahang manika upang dulutan ng pinsala o sakit ang biktima. Upang magkabisa ang kulam, kinkailangan ng mga bagay mula sa biktima tulad ng hibla ng buhok, dura o patak ng dugo. Gamit ang manika at ang buhok ng biktima, tutsukin niya ang
manika sa iba't-ibang parte ng katawan nito gamit ang karayom.
Pamamaraan:
Ang tradisyonal na pangungulam ay naguumpisa sa pagbuhol ng tali sa katawan ng manika. Ang mangkukulam ay may sasambiting orasyon na kadalasan ay sa Latin - upang lumapit ang ispirito at iba pang elemento. Ang taling nakabigkis sa manika ay simbulo ng kapangyarihan ng mangkukulam at nagpapakita na anuman ang gawin niya sa manika ay mararamdaman din ng biktima. Maari niyang tusukin ang manika, ilubog ang ulo sa tubig, o di kaya ay sunugin ang mga galamay. Ang mga nananalig ay naniniwala na ang kulam ay maari lang mawala sa dalawang pamamaraan lamang: ang pag-alis ng tali sa katawan ng manika at ang pagpatay sa mangkukulam.
Sa ibang lugar, ang kulam ay hindi lamang ang layunin ay magdulot ng sakit kundi sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom kundi itinuturing din ang mga magkukulam bilang tagapagsagawa ng gayuma para sa minithing pag-ibig o sa asawang nagtaksil. Ang ibang mangkukulam naman ay may kapangyarihang lumaban sa mga biktima ng napasukan ng ispiritu ng duwende, nuno sa punso at iba pang mga engkanto.

-Credit to the Owner-

No comments:

Post a Comment