Ang paksang ito ay sadyang ginawa para sa mga kalalakihan o kababaihan na nagsasaliksik ng mga oraciong pang-gayuma o iba pang oraciong pagdepensa at panggagamot. Marami ang nga nagtatanong kung papaano paganahin ang isang oracion o kung gumagana ba ito? Ang paksang ito ay magsisilbing guidelines sa mga nagnanais mag-aral ng tagong karunungan.
Ang Latin ay mayroon iba’t ibang klase. Katulad ng salitang Filipino; mayroon itong cebuanao, ilokano, kapampangan, tagalog at marami pang iba. Ganoon din ang Latin; mayroong Greek Latin, Spanish Latin, English Latin, Arabic Latin, Aramaic Latic, Revised Aramaic Latin at marami pang iba. Bawat klase ng latin ay mayroong rules at guidelines sa pagbigkas nito at kung papaano ito mapapagana.
Narito ang mga kabuuhang guidelines sa pag-aaral ng latin:
1. Tamang pagbigkas
Sa paggamit ng oracion, napakahalaga ang tamang pagbigkas. Kapag mali ang bigkas mo ng isang oracion; katulad ka ng isang tao na pilit binubuksan ang kandado pero mali ang susi na gamit. Ibig sabihin, hindi gagana ang isang oracion kapag mali ang bigkas mo. Kung makakuha ka ng isang oracion; tanungin ninyo ang nagbigay sa inyo nito; kung ano ang mga tamang pagbigkas nito.
Halimbawa ang salitang matatagpuan natin sa krus ni Jesu-Cristo na I.N.R.I. na may kahulugang “iesvs nazarenvus rex ivdaeorum” (latin).
a. Ang Salitang “JESUS” ay makikita sa halos lahat ng klase ng latin subalit ito ay may iba’t ibang paraan ng pagbigkas depende sa klase ng latin ito napapaloob o napapabilang. Sa ibang klase ng latin ang Jesus ay binigkas na HESUS – “He-sus”. Sa iba, binibigkas itong JESUS - “DYE-SUS”. Minsan ito’y binigkas na IESUS – “IYE-SUS”.
b. Kung ang latin ay binubuo ng mga magkakasunod na vowels (aeiou) o consonant (bkdghlmn…). Ito binibigkas ayon sa pantig nito o minsan nilalagyan ito ng consonant para mabigkas ito ng tama o depende pa rin rules ng latin kinabibilangan nito. Ang latin na “IUDAEORUM”; sa ibang rules ng pagbigkas; ito ay binibigkas na “I-U-DA-E-O-RUM”. - binibigkas ayon sa pantig nito. Sa ibang rules naman ito ay binibigkas na “IYU-DA-YE-WO-RUM” – dinadagdagan ng consonant. Sa ibang rules naman ito ay binibigkas na “JU-DA-YE-WO-RUM” – ang unang titik “i” sa salita ay ginagawang titik “j”
2. Obserbahan mabuti ang paggamit ng “Symbol”
Narito ang halimbawa ng mga gayuma na kumakalat sa internet:
a. Gayuma 1:
+++
NEMINE TRITARUM ADITA CHRISTUM SUMATUS TUISUT.
(Usalin ang kompletong pangalan ng gagayumahin 3x)
Susunod ka sa lahat ng nais ko, ako ang laging nasa isip mo at
ako ay iyong mamahalin habang buhay.ESAELE ERKIMI SAULO KIMI SAULO.
b. Gayuma 2:
ACTUM ACTUM ERIGO LITIM ISUM KRISTUM LIVERA MIA MALO EGOSUM. Amen.
+++
c. Gayuma 3:
+ SANCTUM CHRISTUM DEUS SPIRITO SANCTO DEUS CROCATISIM RESPOSINET IGLORIAM + BITAMAT TUMATBEM SINUROM DEUS CHRISTUM CRISTO EGOSUM
d. Gayuma 4:
BIYATAM MARIAM MAGDALINAM + VERTUSUM KIDIM
Kung mapapansin ninyo ang mga halimbawa; mayroon kayong symbol na makikita at ito ay “+” . Ang paggamit ng symbol ay may malalim na kahulugan at sadya itong ginamit. Una, pinapanatili nito ang kasagraduhan ng Latin. Pangalawa, upang ito’y hindi magamit ng ibang tao lalo na sa mga taong may masamang balak sa kapwa.
Narito ang ilang kahulugan ng simbolong “+”:
1. Mag-“sign of the cross”. Sa Latin na “+++ NEMINE TRITARUM…”; maaaring sinasabi nito ang mag- sign of the cross ka ng tatlong beses. Sa pag-sign of the cross; maaari itong kumpas lang ang kamay o may babanggitin kang wika na : “IN NOMINE PATRI ET FILII ET SPIRITU SANCTO” o “CRUX SANCTI PATER BENEDICTE”.
2. Literal na salitang “krus/crux/cruz”. Maaaring ang kahulugan ng “+++ NEMINE TRITARUM…” ay “CRUZ CRUZ CRUZ NEMINE TRITARUM…”.
3. Spiritual na paghahanda sa sarili:
Sa Marcos 5:41-43, binabanggit dito ang isang kababalaghan na ginawa ni Cristo; kung saan siya ay bumuhay ng isang patay na babae. Ganito ang pagkakasulat: “41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya: “TALITHA KUMI!” Ang ibig sabihin nito ay: Dalagita, sinasabi ko sa iyo: Bumangon ka. 42 Agad na bumangon ang dalagita at lumakad. Siya ay labindalawang taong gulang na. Lubhang namangha ang mga tao. 43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag itong ipaalam kahit kanino. Sinabi rin niya na bigyan nila ng makakain ang dalagita.” Sa talatang nabanggit mapapansin natin na mismong si Jesu-Cristo ay gumamit ng Divine Words na TALITHA KUMI upang bumuhay ng patay. Dagdag pa sa Marcos 7:33-34 si Jesu-Cristo ay gumamit muli ng isang Divine Word na EFFATA noong pagalingin niya ang isang pipi’t bingi. “Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, iniutos niya sa tainga ng lalaki, “EFFATA!”, na ang ibig sabihi’y, “Bumukas ka!”
Si Jesu-Cristo ay gumamit ng Aramaic Latin na TALITHA KUMI at EFFATA noong buhayin niya ang patay at pagalingin ang pipi’t bingi. Subukan mo kayang humarap sa isang pipi’t bingi at banggitin ang salita “EFFATA”; sa tingin ninyo gagaling kaya ito? Kung sasabihin ninyo namang; si Cristo yaon at ako’y ordinaryong tao lamang. Ang katanungan ko naman ay ganito: Iyang pinag-aaralan mo bang gayuma ay para sa iyo ba talaga? Papaano kung ang oracion mo ay ginagamit ni Haring David o Haring Solomon noon; masasabi mo pa rin bang si David o Solomon yaon at ako’y ordinaryong tao lamang.
Naaalala ko limang taon na ang nakakalipas. Sa lugar na namin marami ang may sakit na kulam, bati/usog, ginayuma at sinasaniban ng masasamang espiritu. Mayroon kaming kapitbahay na sinapian ng masasamang espiritu; dahil sa nasa trabaho ako noong mga oras na yaon; yung tiyahin ko ang nagsubok na magpalayas ng bad spirit. Inabot siya ng tatlong oras; hindi niya napalayas ang ang bad spirit hanggang sa makarating nalang ako ng bahay. Sinubukan kong i-drive away ang bad spirit sa loob ng 30 minutes, napaalis ko ito. Nagtaka ang tiyahin ko at nagtanong kung anong wika o oracion ang binanggit ko. Sinabi ko sa kanya ang oracion ginamit ko at sinabi niya na iyon din ang gamit niya pero bakit hindi umalis ang bad spirit.
Napakahalaga ng spiritual na paghahanda sa mga nag-aaral ng tagong karunungan. Halimbawa; ang electric fan na 220 volts kapag i-plug mo sa 110 volts na outlet; gagana kaya ang electric fan? Katulad ng Oracion may voltahe rin ito at dapat sapat ang enerhiya ng katawan natin upang mapagana ang isang oracion.
-Credit to the Owner-
Ano po ang mga paraan para maihanda ang spirit ng isang tao para manggamot. At meron po ba kayong ibang guides para sa bigkas ng Latin salamat po
ReplyDelete